^

Metro

Loan, suweldo ibinulsa Pulis, inireklamo ng bestfriend na pulis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nahaharap ngayon sa kasong estafa at perjury ang isang pulis matapos na ireklamo ng kanyang kabaro na pulis-Maynila makaraang ibulsa umano ng una ang tina­tayang P200,000 na pina-loan ng huli.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-General Assignment Section (GAS) ang biktimang si PO3 Melvin Pornillos, 39, ng  Tondo, Manila at nakatalaga sa MPD-Station 1 upang ireklamo si SPO1 Lovely Bacani, dating nakatalaga sa MPD-D1 at ngayon ay nakatalaga na sa Regional Police Holding Administrative Unit (RPHAU) sa National Capital Regional Office (NCRPO) sa Bicutan, Taguig City.

Sa reklamo ng biktima, noong February 5, 2014,  bi­nigyan ni Pornillos ang suspek ng Special Power of Attorney (SPA) upang siyang mag-loan sa kanyang salary­ at kumuha ng kanyang suweldo.

Gayunman, natuklasan na lamang ni Pornillos na nakuha na ng suspek ang halagang P200,000 loan niya subalit hindi ito ibinigay sa kanya.

Nalaman din na napa-encash ng suspek ang tseke ng biktima sa pamamagitan ng pamemeke sa kanyang signature.

Bukod sa P200,000 na loan, nakuha rin ng suspek ang kanyang mga suweldo sa pamamagitan din ng pame­meke ng pirma ng biktima.

Nabatid na itinuturing umano ng biktima ang suspek na kanyang  matalik na kaibigan kaya nito pinagka­katiwalaan.

Nakatakdang magharap ang dalawa sa MPD-GAS bukas.

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

LOVELY BACANI

MANILA POLICE DISTRICT

MELVIN PORNILLOS

NATIONAL CAPITAL REGIONAL OFFICE

PORNILLOS

REGIONAL POLICE HOLDING ADMINISTRATIVE UNIT

SPECIAL POWER OF ATTORNEY

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with