MANILA, Philippines - Pito katao ang nasawi makaraang maipit sa kani-kanilang bahay nang sumiklab ang isang maÂlaking sunog sa isang residential area sa MaÂlabon City, kahapon ng madaling-araw.
Apat sa mga biktima ang nakilala ng pulisya na sina Tomas Cruz, 72; anak na si Maylene Cruz-Mateo, 38; mga anak ni Maylene na sina Lelei, 10; at Raylei, pawang mga naninirahan sa Espiritu St., Brgy. Tinajeros ng naÂsabing lungsod.
Sunog na sunog din naman ang magkakapatid na Doliri na sinasabing kaÂanak din ng mga nasawi.
Base sa pinagsamang imbestigasyon nina PO2 Benjamin Sy, Jr. at PO1 Junny Delgado, ng Caloocan Police, nagsimula ang sunog dakong alas-3:20 ng madaling-araw sa hindi pa matukoy na bahay sa kahabaan ng Espiritu St., Brgy. Tinajeros.
Agad na rumesponde ang mga bumbero maÂtapos na matanggap ang tawag. Umabot ang sunog sa 4th alarm nang mahiÂrapan ang mga bumbero na mapasok ang lugar dahiÂl sa sobrang kitid ng mga daan. NaÂideklara lamang na under control ang sunog dakong alas-5:27 ng madaling-araw.
Hinihinalang buhat sa sumabog na tangke ng liquefied petroleum gas ang sunog pero hindi matukoy kung saang bahay nagmula.
Nasa kasarapan naman ng pagtulog ang mga biktima na hindi na nagawang makalabas ng kanilang bahay dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.
Aabot naman sa 100 bahay ang nasira ng sunog at nasa 1,000 residente ang naapektuhan nito.