MANILA, Philippines - Posibleng masira ang mukha ng isang binata makaraang sabuyan ng asido ng kanyang dating nobya sa hindi pa malinaw na dahilan, kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.
Inoobserbahan ngayon sa Chinese General Hospital si Raymond Rodriguez, 26, ng Bacoor, Cavite, habang naÂdakip naman ang dati nitong nobya na si Beejay Martinez, 31, residente ng Miranda Compound, MacArthur Highway, MaÂlinta, ng naturang lungsod. Pinaghahanap naman ang kasamahan ng suspek na nakilala sa alyas na Irene.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi nang dalawin ni Rodriguez si Martinez sa pinagtatraÂbuhan nito sa Maguiat Clinic sa Feliza Building sa Santiago Street, Malinta.
Pinaghintay muna ni Martinez ang dating nobyo at nang lumabas ay kasama na ang kaibigan na si Irene. Dito umano biglang sinaÂbuyan ng asido ang mukha ng biktima saka pinagpapalo ito ng dalawang suspek gamit ang isang tubo.
Bagama’t sugatan, nagawang makatakbo palabas ng establisimento ng biktima at makahingi ng tulong sa mga barangay tanod.
Dito na nagpadala ang biktima sa CGH habang agad na nadakip si Martinez ngunit nakatakas ang kaÂsamahang si Irene.
Blangko naman ang puÂlisya sa motibo ng pananakit ni Martinez dahil sa nanaÂnatiling tikom ang bibig ng magkabilang-panig. Sinabi ni Rodriguez na ang abogado na umano niya ang magbibigay ng pahayag sa pulisya para sa pagsaÂsampa ng kaukulang kaso.