MANILA, Philippines - Lumutang sa Manila Bay na nasasakupan ng Navotas ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang biktima ng “summary execution†kamakalawa ng umaga.
Inilarawan ang bangkay na may taas na 5’4â€, nasa pagitan ng edad na 28-30 anyos, may tattoo na “Sputnik†sa kanang balikat at nakasuot lamang ng striped na short pants.
Nabatid sa ulat na nangingisda si Alex Careg, ng P. Tuazon Tabing Dagat, San Jose, Navotas City nang tumama sa kanyang bangka ang bangkay.
Sa pagsusuri ng mga imbestigador, nagtamo ang biktima ng isang butas buhat sa bala ng baril sa kanang sentido na tumagos sa kaliwang tenga. Naaagnas na rin ito nang matagpuan.
Hinala ng pulisya, maaaring pinaslang sa ibang lugar sa Metro Manila ang biktima at itinapon sa dagat kung saan naanod lamang sa lungsod ng Navotas.