MANILA, Philippines - Pinangunahan kahapon ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pagdiriwang sa buwan ng kababaihan sa ilalim ng ‘Joy of Public Service program’ at ‘Mommy Mundo’ sa QC hall.
Ang okasyon na pormal na binuksan kahapon at magtatapos ngayong araw na ito ay pinamagatang ‘QC Women’s Fair: Bida ang mga Kababaihan’ ay tatampukan ng iba’t ibang libreng serbisyo sa mga kababaihan na taga-lungsod.
Ayon kay Vice Mayor Belmonte, layunin nito na mabigyan ng kasiyahan at pagkilala ang mga kababaihan sa lungsod bilang katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng komunidad at pamayanan.
Ang mga libreng serbisyo na ipinagkaloob ay ang fit and fab program; nag-Hip and Chic program na kapapalooban ng libreng ultrasound, libreng eye screening at prescription glasses, free bone scanning, free foot reflex, libreng back and shoulder massage, free make over at facial, ukay for a cause at ang bold and driven program ay kapapalooban ng lecture tungkol sa time management, budgeting tips, career booster, entreprenueral tips, ageing gracefully, stress management, power dressing at make-up, usapang green, how to guard, modern parenting at social media.