^

Metro

Women’s fair sa QC, pinangunahan ni Joy B

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinangunahan kahapon ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pagdiriwang sa buwan ng kababaihan sa ilalim ng ‘Joy of Public Service program’ at ‘Mommy Mundo’ sa QC hall.

Ang okasyon na pormal na binuksan kahapon at magtatapos ngayong araw na ito ay  pinamagatang ‘QC Women’s­ Fair: Bida ang mga Kababaihan’ ay  tatampukan ng iba’t ibang libreng serbisyo sa mga kababaihan na taga-lungsod.

Ayon kay Vice Mayor Belmonte, layunin nito na mabigyan ng kasiyahan at pagkilala ang mga kababaihan sa lungsod bilang katuwang ng lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng komunidad at pamayanan.

Ang mga libreng serbisyo na ipinagkaloob ay ang fit and fab program; nag-Hip and Chic program  na kapapalooban ng libreng ultrasound, libreng eye screening at prescription glasses, free bone scanning, free foot reflex, libreng back and shoulder massage, free make over at facial, ukay for a cause at ang bold and driven program ay kapapalooban ng lecture tungkol sa time management, budgeting tips, career booster, entreprenueral tips, ageing gracefully, stress management, power dressing at make-up, usapang green, how to guard, modern parenting at social media.

vuukle comment

AYON

BIDA

HIP AND CHIC

JOY OF PUBLIC SERVICE

KABABAIHAN

MOMMY MUNDO

PINANGUNAHAN

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

VICE MAYOR BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with