^

Metro

‘Solvent boys’ sa Maynila dumarami

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan kay Manila Mayor Joseph Estrada ang  ilang drivers at commuters hinggil sa pagdami ng mga solvent boys sa iba’t ibang lugar sa Maynila.

Partikular na tinukoy ng mga driver ng pampasaherong jeep  at commuters ang  lugar sa harap ng  Bonifacio Shrine,  Lawton, likod ng   post office at Bureau of Immigration.

Ayon  sa mga driver at commuters, tila parami nang parami ang  mga batang  nalululong sa  solvent kung saan  makikitang nagbibigayan pa ito ng  solvent samantalang  wala namang aksiyong ginagawa ang mga awtoridad.

Apela ng mga concerned citizen, dapat umanong ak­siyunan ng city government ang problemang tulad nito dahil maging ang mga sanggol ay nagiging biktima ng  amoy ng  solvent.

Anila, responsibilidad pa rin ng city government ang kapakanan ng mga ito  kung saan  dapat pa ring may lugar sa mga solvent boys upang  mapagbago.

Sinabi  naman ni  Sr. Insp. Ness Vargas, deputy chief ng  Manila Action and Special Assignment (MASA) ng Manila City hall, makikipag-ugnayan sila sa Manila Social Welfare Department upang  makuha ang mga solvent boys at masawata   ang pagdami nito.

 

vuukle comment

BONIFACIO SHRINE

BUREAU OF IMMIGRATION

MANILA ACTION AND SPECIAL ASSIGNMENT

MANILA CITY

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILA SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

NESS VARGAS

SR. INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with