MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang 34-anyos na baÂrangay tanod nang inguso na siyang pumatay sa isang pedicab driver noong nakalipas na Marso 3, sa Binondo, Maynila.
Dinakip ang suspek na si Joseph Alforque, sa Brgy. 293 Zone 228 at residente ng Perla St.,Tondo, Maynila habang nagtiÂtinda sa harapan ng 999 mall sa Binondo.
Mismong ang ina ng biktimang si Genard Pangan, 23, pedicab driver ang tumawag sa mga miyembro ng Manila Police District upang ipahuli ang suspek dakong alas-2:30 ng hapon.
Itinanggi ng suspek na siya ang bumaril at nakapatay kay Pangan.
Samantalang ang mga testigo naman ay nagsabing nakita nila ang suspek na tumatakbo at nakasuot ng kulay itim na helmet at jacket kasama ang isa pang lalaki na armado ng mga baril, matapos na barilin ang biktima dakong ala-1:20 ng madaling-araw noong Marso 3, habang nakaupo sa panulukan ng Batangas at Kagitingan Sts. Tondo.
Alibi ng suspek, wala siyang alam dahil nang maganap ang nasabing pamamaril ay kasama niya sa isang inuman ang kanilang barangay chairman.