Parak sugatan sa amok
MANILA, Philippines - Sugatan ang isang pulis-Maynila makaraang mabaril matapos rumesponde sa nag-aamok na lalaki sa Perla St., Tondo, Maynila, kamaÂkalawa ng gabi.
Kinilala ang pulis na si PO1 Alfredo Sunga, nakataÂlaga sa Don Bosco Police Community Precinct (PCP) na sakop ng Manila Police District-Station 1 na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib at kasalukuyan pang nakaratay sa Mary Johnston Hospital.
Sa ulat, dakong alas- 9:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa Perla St., Tondo makaraang humingi ng tulong sa biktima ang mga residente sa lugar paÂtungkol sa isang laÂlaking nagwawala na walang habas na nagpapaputok ng baril at tinatarget ang mgs street light at nakakabit na CCTV sa lugar.
Mabilis namang rumesÂponde ang grupo ni PO1 Sunga kung saan papalapit pa lamang ang mga pulis ay sinalubong na sila ng sunud-sunod na putok ng baril ng suspect na hindi kinilala kung saan tinamaan si Sunga.
Sinasabing ang suspek ay dayuhan lang sa lugar, na ayaw naman paniwalaan ng ilan. Posibleng may opisyal umano ng barangay na nagtatakip sa pagkakakilanlan ng suspek.
- Latest