MANILA, Philippines - Kinilala na kahapon ang bangkay ng isang lalaki na inilagay sa isang balikbayan box na natagpuan kamaÂkailan sa Pasay City.
Ang biktima ay nakilalang si Misael Del Prado, 38, isang real estate agent at residente ng Cluster 2 Unit 8 GGS Condominium, Boni Serrano Cubao Quezon City.
Ayon kay Chief Inspector Joey Goforth, hepe ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay City Police, nagtungo sa kanilang tanggapan si Fercival Dela Cruz, 30, ng Baclaran, Parañaque City na siyang kumilala sa bangkay ng pinsan.
Nakumpirmang ito si Del Prado dahil sa tattoo nito sa kanang braso na “Cheskaâ€.
Sinabi pa ni Fercival na bago natagpuan ang bangkay ng biktima ay umalis ito ng bahay at nakitang may kasamang dalawang lalaki sa may M. Dela Cruz sa nasabing lungsod hanggang sa hindi na umuwi ng bahay.
Lalong luminaw ang imbestigasyon na ang nabanggit na ang mga kasama nitong lalaki ang posibleng responsable sa brutal na kamatayan ng biktima matapos siyasatin ng mga pulis sa kuha sa CCTV camera na ang mga ito ang nagtapon ng kahon kung saan nakasilid ang bangkay ng biktima noong Marso 4 alas-6:00 ng umaga sa M. dela Cruz, Pasay City.
Kinilala ang mga ito na sina Joseph Torrente, 30; at isang Fernand Villegas, na residente rin sa naturang lugar.
Patuloy nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya laban kina Torrente at Villegas habang inaalam pa rin kung ano ang posibleng motibo sa pagpaslang.