3 kilabot na kawatan, timbog

MANILA, Philippines - Tatlong kalalakihan na pawang kilabot na miyembro ng isang sindikato ng droga, robbery hold-up at akyat bahay ang na­dakip sa isinagawang anti-criminality operation kahapon ng ma­daling-araw sa Valenzuela City.

Kinilala ni Police Senior Supt. Rhoderick Arma­mento, hepe ng Valenzuela City Police ang mga suspek na sina Mar Socorro, alyas Mar Mar; Jomar Morales at Eduardo Boiser.

Base sa rekord ng pulisya  ang mga suspek ay miyembro ng remnant ng Bonifacio Group sa Pina­lagad, Malinta Area na sangkot sa droga, robbery hold-up at akyat bahay.

Ayon kay Armamento, nagsagawa ng serye ng anti-criminality operation ang kanyang mga tauhan alas-2:00 ng hapon  sa Brgy. Maysan at Balubaran ng nasabing lungsod na nag­resulta sa pagkakadakip sa  tatlong suspek.   

Nakumpiska sa mga suspek ang isang ka­libre .38 baril, isang kalibre .22 pistol, 10 mga bala, motor­siklo, bonnet­, wig na gina­gamit nila sa ka­nilang illegal na ope­rasyon, mga assorted na  relo na hini­hinalang kinulimbat ng mga ito, 3 plastic sachet ng shabu at pekeng P1000 bill.

Show comments