Deniece, Roxanne, Cedric kinasuhan ni Vhong ng perjury

MANILA, Philippines — Inireklamo ni TV host Vhong Navarro ng perjury ang dalawang babaeng nagrereklamo sa kanya ng panggagahasa ngayong Huwebes.

Inihain ni Navarro ang kaso sa Pasig City Regional Trial Court.

Sinabi ng artista sa kanyang unang counter affidavit na hindi niya kasama si Roxanne noong Abril 4, 2010 tulad ng sinasabi ng umano’y biktima ng panggagahasa.

Kaugnay na balita: Vice Ganda naghain ng affidavit para sa kaso ni Vhong

Ginamit din ni Navarro ang salaysay ng kanyang mga kaibigan na magkakasama sila sa Cavite noong araw na nangyari umano ang panggagahasa.

Naghain din ng hiwalay na perjury case si Navarro laban naman kay Cedric Lee at Deniece Cornejo sa Manila City Prosecutor's Office.

"On three separate occasions, respondent Cornejo executed and swore to ... a complaint affidavit containing false accusations against me for rape," nakasaad sa sinumpaang salaysay ni Navarro.

Dawit din sa kaso ang kapatid ni Lee na si Bernice at mga kaibigan nilang sina JP Calma at Zimmer Rance na umano’y nambugbog kay Navarro noong Enero 22 sa Taguig City.

Nauna nang naghain ng sinumpaang salaysay ang co-host ni Navarro na si Vice Ganda.

 

Show comments