MANILA, Philippines - Bubuo ang Quezon City ng isang neighborhood crime watch groups na aasisti sa mga pulis para makaÂtulong na maibsan ang mga insidente ng karahasan at krimen sa bawat lugar sa lungsod.
Kaugnay nito, isang meÂmorandum ang ikinakasa ni QC Mayor Herbert Bautista para sa pagbuo ng naturang grupo sa may 142 barangay para masino ang mga tauhan na kabibilangan nito.
Itinalaga ni Bautista ang QC Liga ng mga Barangay at ang barangay operations center para pangunahan ang paghahanda sa naturang proyekto.
Una nang naiparating ni Bautista sa ginanap na pulong ng mga miyembro ng QC peace and order council sa City Hall ang pangangailangan na malagyan ng closed circuit television cameras sa lahat ng barangays sa lungsod upang makatulong ito na pagÂresolba sa krimen.
Bukod dito, hinikayat ng alkalde ang barangay anti-drug abuse councils na palakasin pa ang kampanya kontra illegal drugs na siyang naÂgiging ugat ng mga karahasan at krimen sa lunsod.