^

Metro

Neighborhood Anti-crime Groups, bubuuin sa QC, kontra krimen

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bubuo ang Quezon City  ng isang neighborhood crime watch groups na aasisti sa mga pulis para maka­tulong  na maibsan ang mga insidente ng karahasan at krimen sa bawat lugar sa lungsod.

 Kaugnay nito, isang me­morandum ang ikinakasa ni QC Mayor Herbert Bautista para sa pagbuo ng naturang grupo sa may 142 barangay para masino ang mga tauhan na kabibilangan nito.

Itinalaga ni Bautista ang QC Liga ng mga Barangay at ang  barangay operations center para pangunahan ang paghahanda sa naturang proyekto.

 Una nang naiparating ni Bautista sa ginanap na pulong ng mga miyembro ng QC peace and order council sa City Hall ang pangangailangan na malagyan ng closed circuit television cameras sa lahat ng barangays sa lungsod upang makatulong ito na pag­resolba sa  krimen.

 Bukod dito, hinikayat ng alkalde ang  barangay anti-drug abuse councils na palakasin pa ang kampanya kontra illegal­ drugs na siyang na­giging ugat ng mga karahasan at krimen sa lunsod.

BAUTISTA

BUBUO

BUKOD

CITY HALL

ITINALAGA

KAUGNAY

MAYOR HERBERT BAUTISTA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with