^

Metro

Establishments, iskul sa Parañaque, inobligang maglagay ng CCTV

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Obligado  nang maglagay ng closed-circuit television (CCTV) camera ang lahat ng establisimyento kabilang ang mga eskwelahan at pribadong subdivision sa lungsod ng Parañaque matapos lagdaan  ni Mayor Edwin Olivarez ang ordinansang iniakda ni Councilor Jason Webb.

Nabatid  na wala nang mailulusot ang mga may-ari ng establisimyento dahil ganap ng isinabatas ang paglalagay ng CCTV sa lungsod.     

Ito anya ay upang  maka­tulong sa pagsugpo ng krimen at magamit ng mga imbestigador sa pagresolba ng mga ito.

“This is part of our plan to fight criminality in Parañaque, ensure peace and order in schools ang communities, ang help our law enforcement agencies in solving crimes,” ani Olivarez.

Kabilang sa mga obligado nang magkabit ng CCTV camera ay  ang mga banko, shopping mall, gasolinahan, supermarket, money changer, 24-hour con­venience store, mga eskwelahan, uni­bersidad, restaurant, sanglaan, car dealership, bar, spa, massage parlor at mga hotel at iba pa.

Nakalagay  din sa ordi­nansa na kailangang itago ang rekord ng kanilang CCTV sa loob ng isang taon sakaling kailanganin ito ng mga awtoridad para sa imbestigasyon ng mga krimen.

Nakasaad pa rin sa ordinansa  na kasama sa requirement ang paglalagay ng CCTV  camera kapag nag-apply ng business permit.

COUNCILOR JASON WEBB

KABILANG

MAYOR EDWIN OLIVAREZ

NABATID

NAKALAGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with