MANILA, Philippines - Nasa balag ng alanganin ang dalawang bagitong parak makaraang makuhanan ng closed circuit teleÂvision (CCTV) camera na sangkot sa pangguÂgulpi at pamamaril sa isang lalaki sa Caloocan City kamaÂkailan.
Kinilala ang mga pulis na sina PO1s Bingo Sadia at Froilan Sy, kapwa nakaÂtalaga ng Caloocan City Police.
Sa rekord ng pulisya, nabatid na kamakailan ay nakatalo ng mga suspek ang biktimang si Jomar Mariano sa F. Roxas St., ng naturang lungsod.
Nakita sa CCTV camera kung paano nila hinataw ng bote at binaril ang naturang biktima at saka nagsitakas hanggang sa dinala naman sa Caloocan Medical Center si Mariano ng kanyang mga kaanak.
Nang makuha ang nai-rekord ng CCTV sa kaÂtabing botika ay ipinakita sa biktima ang mga litrato ng daÂlawang pulis kung saan positibong itong kinilala ng una at ng ilang testigo.
Sinampahan ng mga kasong frustrated homicide at physical injuries ang mga suspek.