MANILA, Philippines - Labing-isa katao ang nasugatan nang araruhin ng isang pampasaherong bus ang may walong sasakyan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue na tinaguriÂang ‘killer highway’ sa Quezon City kahapon.
Sinasabing ang passenger bus na Mayamy Transport ay rumampa sa center island ng Commonwealth Avenue paÂpuntang Quiapo at saka tumawid sa kabilang lane papunta ng Fairview at dito nito niragasa ang may walong sasakyan.
Ayon sa traffic sector ng Quezon City Police, matapos ito ay mabilis na tuÂmakas ang driver at konduktor ng naÂturang bus.
Pinaka matindi naman ang tinamong sugat sa katawan ng isang motorcycle rider, isa sa walong sasakyan na inararo ng Mayamy Transport.
Dinala na sa East Avenue Medical Center ang mga nasugatan sa aksidente.Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidenteng nabanggit.