MANILA, Philippines - Patay ang head security ng isang hotel nang barilin ng hindi nakilalang salarin habang naka-duty sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Junar Ladiao, head security sa Emperor Kingdom Hotel at residente ng Makata St., Sta. Cruz, Maynila sanhi ng tatlong tama ng bala sa ulo.
Patuloy pa ang imbestigasyon hinggil sa motibo at pagkakakilanlan sa suspek na inilarawan batay sa kuha ng closed circuit television (CCTV) ng hoteÂl na armado ng kalibre .45, nakasuot ng itim na jacket, t-shirt na puti ang panloob, nakasuot ng bull cap, maong na pantalon at sandals.
Sa ulat ni SPO1 Crispino Ocampo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:39 ng gabi nang maganap ang insiÂdente sa back entrance ng Emperor Kingdon Hotel na matatagpuan sa Florentino Torres St., Sta. Cruz, Manila.
Pahayag sa awtoridad ng isa pang security guard na si Philip Fabilion, inutusan siya ng biktima na bumili ng energy drink sa kalapit na convenience store at habang bumibili ay nakarinig ito ng putok ng baril kaya ito bumalik sa nasabing hotel. Doon bumulaga sa kaniya ang nakabulagtang biktima.
Sa nakitang footages sa CCTV ng hotel, nakitang dumating ang suspek galing sa Florentino St., at lumapit ito sa biktima at walang sabi-sabing pinaputukan ito ng baril nang malapitan ng walong ulit bagamat 3 lamang umano ang tumama sa biktima.
May impormasyon din ang mga awtoridad na marami ang nakakagalit ng biktima dahil istrikto ito lalo na sa mga tauhan na kapwa guwardiya.