MANILA, Philippines - Napilitang magsuspinde ng klase ang St. Paul College sa Pasig City matapos na makatanggap ng bomb threat kahapon.
Batay sa ulat, isang anonymous text ang kumalat sa buong St. Paul College, na matatagpuan sa St. Paul Road, Brgy. Ugong, Pasig City, kahapon ng umaga hinggil sa umano’y bantang pagpapasabog sa paaralan.
Agad na sinuspinde ng pamunuan ng paaralan ang buong klase para bigyang-daan ang paghahanap sa bomba upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at lahat ng empleyado ng paaralan.
Siniyasat naman ng school security at Pasig City Police ang school grounds at pasilidad nito ngunit walang anumang kahina-hinalang bagay na natagpuan sa nasabing paaralan.
Nauna rito, noong PebÂrero 12 ay nakatanggap din ng mga pekeng bomb threat ang Ateneo de Manila University sa Quezon City at ang University of Santo Tomas sa Maynila nitong Miyerkules.