^

Metro

Bomb scare St. Paul Pasig, nagsuspinde ng klase

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napilitang magsuspinde ng klase ang St. Paul College sa Pasig City matapos na makatanggap ng bomb threat  kahapon.

Batay sa ulat, isang anonymous text ang kumalat sa buong St. Paul College, na matatagpuan sa St. Paul Road, Brgy. Ugong, Pasig City, kahapon ng umaga hinggil sa umano’y bantang pagpapasabog sa paaralan.

Agad na sinuspinde  ng pamunuan ng paaralan ang buong klase para bigyang-daan ang paghahanap sa bomba upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at lahat ng empleyado ng paaralan.

Siniyasat naman ng school security at Pasig City Police ang school grounds at pasilidad nito  ngunit walang anumang kahina-hinalang bagay na natagpuan sa nasabing paaralan.

Nauna rito, noong Peb­rero 12 ay nakatanggap din ng mga pekeng bomb threat ang Ateneo de Manila University sa Quezon City at ang University of Santo Tomas  sa Maynila nitong Miyerkules.

 

ATENEO

BATAY

MANILA UNIVERSITY

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

QUEZON CITY

ST. PAUL COLLEGE

ST. PAUL ROAD

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with