MANILA, Philippines - Muling naglabasan sa kalye ang mga dambuhalang truck makaraang pansamantalang itigil ng mga grupo ng trucker ang kanilang truck holiday para pagbigyan ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa giit na subukan muna ang ipinatutupad na daytime truck ban.
Gayunman, nanininÂdigan pa rin ang grupo na dapat ibalik sa kanila ang 24-7 na truck lane sa Maynila.
Sinabi ni Integrated North Truckers Association President Teddy Gervacio na kanilang susubukan ang pakiusap ni Manila Mayor Joseph Estrada na sumunod muna sa daytime truck ban. Ito ay isasagawa nila sa loob lamang ng tatlong araw.
Subalit sa hiwalay na pahayag ni Abraham Rebao, director ng Aduana Business Club, isang organisasyon ng haulersÂ, hindi sila susunod sa daytime window na ipinatutupad sa Maynila at sa halip ay 24 oras silang magbibiyahe dahil hindi rin naman tumupad sa naging kasunduan na nabuo sa meeting nila nitong Miyerkules sa harap ni Cabinet Secretary Rene Almendras.
“We met last night at Philippine Ports AuthoÂrity (PPA) headquarters and it was agreed that Mayor Erap will allow 24 hours for export and import trucking,†pahayag ni Rebao.
Kinontra naman ito sa Tweet message ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na nagsabing hindi pa ibinabasura ang daytime window bagamat pinalawig ito hanggang sa alas-5:00 ng hapon sa halip na hanggang alas-3:00 ng hapon lamang at ipatutupad sa loob ng dalawang linggo.
Paliwanag ni Rebao, ang pagkansela nila sa tigil-biyahe ay hanggang 3 araw lamang din at sa layunin na mabawasan ang tambak na shipping containers sa Manila Ports na umabot na sa critical level dahil sa 3-araw na truck holiday na nagsimula noong Lunes at may 7,000 truck din ang nakatengga lang.
Ayon naman kay Gervacio, pagkalipas ng tatlong araw na masubukan ang daytime window ay muli silang makikipagpulong sa alkalde kasama ang ibang grupo ng trucker para mailahad ang resulta ng pagsubok sa daytime truck ban.
Sakaling hindi magkasunod, nagbanta rin si Gervacio na babalik sila sa truck holiday.
Nabatid na pumasok na ang Malacañang sa nasabing usapin at humarap sa pulong sa pagitan ng truckers at mga opisyal ng Manila City government.