^

Metro

2 sunog: 150 pamilya nawalan ng bahay

Ricky Tulipat at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot sa 150 pamilya ang nawalan ng tahanan sa magkahiwalay na sunog na naganap sa Quezon City at Muntilupa, kahapon ng ma­daling-araw.

May 100 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa kanilang lugar sa Brgy. Nova Proper, lungsod Quezon.

Ayon kay Supt. Jesus Fer­nandez, fire marshal sa lungsod, ang sunog ay nagsimula sa ground floor ng bahay ng isa umanong AJ Bularan na matatagpuan sa Jasmin St., Ramirez Subdivision, ganap na ala-1:18 ng madaling-araw.

Sabi ni Fernandez, dahil sa gawa lamang sa kahoy ang bahay madali itong sumiklab hanggang sa tuluyang makadamay ng iba pang kabahayan at kalapit na townhouses.

Dahil sa masikip na kalye, nahirapan ang mga pamatay- sunog na agad na maapula ang apoy, kaya umabot ito sa Task Force Alpha, dagdag ng opisyal.

Sa kabuuan, alas-2:55 nang tuluyang ideklarang fire out ang sunog, kung saan 35 bahay ang nasunog na kinabibilangan ng 11 townhouses habang 24 naman ang mga informal settlers.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa na­sabing insidente. Aabot naman sa P5 milyon ang halaga ng napinsala dito.

Tinitingnan ng awtoridad ang talamak na paggamit ng jumper sa mga informal settlers na ugat ng na­sabing sunog. Samantala, tinatayang aabot sa mahigit sa  50 pamilya ang nawalan ng tirahan sa may dalawang oras na sunog na hinihinalang sinadya at  tumupok sa may 30 kabahayan  sa Muntinlupa City.

Bagama’t wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naturang sunog, may hinala naman ang mga nasunugan na sinadya ang insidente matapos sumabog ang isang may sinding gasera sa bahay na inookupa ng isang Hyra Amlani  sa Purok 4 Extension, Brgy. Alabang ng naturang lungsod.

Ayon sa imbestigasyon  ni Senior Fire Officer 4 Geraldo Nazareno, ng Muntinlupa City Arson Investigation, nagsimula ang sunog  alas-3:15 ng madaling araw na kaagad kumalat sa katabing kabahayan na pawang gawa sa kahoy na madaling lumiyab kaya’t itinaas ito sa ikatlong alarma.

Sinabi ni Muntinlupa City  Fire Marshal Roderick Aguto Sr.,  na tuluyang naapula ang apoy alas-5:15 na ng madaling araw at tinatayang aabot sa halos kalahating milyong piso ang halaga ng mga ari-arian na naabo.

Masusing iniimbestigahan pa mga awtoridad  ang impormasyong inihayag ng mga nasunugan na sinadyang tabigin ang may sinding gasera ng nakatira sa nasunog na bahay kung kaya’t ito’y sumabog.

Napag-alaman, na isinanla umano ng may-aring si Rosemari Villamin ang bahay nito  kay Amlani, subalit hindi na muling nabayaran ito.

AABOT

AYON

BRGY

FIRE MARSHAL RODERICK AGUTO SR.

GERALDO NAZARENO

HYRA AMLANI

MUNTINLUPA CITY

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with