MANILA, Philippines - Nasa malubhang kalagayan ang isang dating barangay captain matapos barilin ng riding-in-tandem habang pauwi ang una galing sa korte sa Malabon City kahapon ng umaga. Ginagamot sa Manila Central University Hospital sanhi ng tama ng bala sa leeg ang biktima na si Antonio Cris, nasa hustong gulang ng Brgy. Tonsuya ng naturang lungsod.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-9:20 ng umaga habang ang biktima ay pauwi na sa kanyang bahay galing sa korte at habang sakay ng kanyang Crosswind ay dinikitan ito ng mga susÂpek sakay ng motorÂsiklong hindi nakuha ang plaka sa Sanciangco St., Brgy. Catmon. PinaÂpuÂtukan ng isa sa mga suspek ang biktima bago mabilis na tumakas habang dinala naman si Cris sa naturang ospital.
Inaalam na ng mga pulis kung sino at ano ang motibo ng mga suspek sa nasabing insidente.