^

Metro

Motorsiklo salpok sa paso, rider tepok

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang rider matapos na humampas ang ulo sa semento nang salpukin ng kanyang sinasakyang motorsiklo ang isang paso sa Brgy. Ugong, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Joseph Roque, nasa hustong gulang, at nakatira sa 186 Ubos Road, Pagrai Hills, Antipolo City.

Sa report ni SPO2 Carlito Guillarte, nabatid na naganap ang aksidente dakong alas-10:58 ng gabi sa kahabaan ng C5 Road, Ortigas Avenue Fly-over sa Brgy. Ugong habang ang biktima ay sakay ng Suzuki motorcycle na may plakang WA 5457.

Tinatahak  ng biktima ang northbound lane ng C5 nang sumalpok ang motorsiklo nito sa isang malaking paso.

Dahil sa tindi ng impact ay tumilapon ang biktima ng may ilang metro at humampas ang kanyang ulo sa semento.

Isinugod pa ang biktima sa Rizal Medical Center (RMC) ngunit nasawi rin dakong alas-12:35 ng madaling araw kahapon.

 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BRGY

CARLITO GUILLARTE

JOSEPH ROQUE

ORTIGAS AVENUE FLY

PAGRAI HILLS

PASIG CITY

RIZAL MEDICAL CENTER

UBOS ROAD

UGONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with