MANILA, Philippines - Isang lalaki ang namatay matapos masagasaan ito ng humaharurot na motorsiklo habang sugatan naman ang kusinero na nakasagasa rito nang tumilapon ito kahapon ng umaga sa Pasay city. Dead on the spot ang biktimang si Edgardo Sagun, residente ng Makati City matapos na magtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan habang tumilapon naman ng may 20-metro mula sa pinangyarihan ang driver ng motorsiklo na si Edmund Balderan, 31, kusinero ng isang restaurant sa Diosdado Macapagal Ave., Pasay City.
Nilalapatan ito ng lunas sa nabanggit na ospital at idineklara ng mga doctor na ligtas na.
 Sa imbestigasyon ni PO3 MaÂrianito Agas, ng Pasay City Traffic Management Unit, nangyari ang insidente alas-6 ng umaga sa kahabaan ng Roxas Blvd. patungong EDSA Ave., ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Balderan, tinatahak niya ang kahabaan ng Roxas Blvd., patungong EDSA Ave. nang biglang tumawid ang biktima mula sa madilim na bahagi ng lansangan sa pagitan ng Libertad St. at EDSA Ave. at nahagip pa rin ang biktima.

Kasong reckless imprudence resulting in homicide ang isaÂsampa ng pulisya laban kay Balderan sa Pasay City Prosecutors Office habang inilagak naman ang bangkay ni Sagun sa Malaya Funeral Homes. Sinabi ni Agas na rerebisahin din nila ang kuha ng CCTV camera sa lugar upang magamit sa pagpapatuloy ng kanilang imbestigasyon.