MANILA, Philippines - Magkakasubukan ngayon araw ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamumuno nina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice MaÂyor Isko Moreno at grupo ng truckers kasabay ng bantang protesta ng mga ito bunsod ng pagpapatupad ng day time truck ban simula ngayon.
Sa panayam kay Moreno, sinabi nito na handa na ang kanilang panig sa anumang gagawin ng mga truckers kasama ang puwersa ng Manila Police District (MPD) sa pangunguna ni Officer in Charge Sr. Supt. Rolando Nana.
Sinabi ni Nana, maximum tolerance naman ang kanilang ipatutupad at nakaalalay lamang sila sa sitwasyon at pagpapatupad ng batas.
Inaasahan ding muling magsusuot ng camouflage uniform si Estrada na kanyang isinuot nang ipatupad ang bus ban sa Maynila.
Ayon kay Moreno, ang desisyon ng mga truckers ay indikasyon na nais nilang ipakita na mas magaling at malakas sila sa opisyal ng pamahalaan at walang makakapigil sa kanilang gagawing protesta ngayon araw.
Nakalulungkot lamang isipin ayon kay Moreno na ginagawa ng city government ang lahat ng paraan upang mapagbigyan ang lahat ng sector subalit tila sila pa ang ginawagang kontrabida ng mga truckers.
Aniya, pansarili lamang ang iniisip ng mga truckers samantalang hindi nila alintana ang kapakanan ng mas nakararaming maaapektuhan commuters.
Matatandaang nakipagpulong na ang mga matataas na opisyal kina Estrada at Moreno na kinabibilaÂngan nina DPWH Secretary Rogelio Singson; MMDA Chairman Francis Tolentino; Mr. Sergio Ortiz-Luis, Honorary Chairman at Treasurer ng PCCI; Mr. Roberto Amores ng Philippine Chamber of Commerce and Industry; at dating Finance Secretary at Philippine Stock Exchange (PSE) Chairman Jose “Titoy†Pardo.
Naniniwala si Moreno na ang kanilang ginawang modification na tatagal sa loob ng anim na buwan ay makabubuti sa lahat ng sector kung kaya’t wala nang dapat pang ikagalit ang mga truckers.
Maaari namang gamitin ng mga truck ang Batangas Port para makarating sa Laguna at Cavite Economic Zone gayundin ang SBMA port patungo sa Clark Angeles Economic Zone.
Paliwanag pa ng bise alkalde, kailangan i-divert ang ibang port operation upang 50% na lang sa Manila ang port operation. Aniya, taga maynila man o hindi ay dapat na magkaroon ng kaluwagan sa trapiko, lalo na kapag papasok kayo sa trabaho, at eskwela.
“Kung gusto nyo ng makaramdam ng pagbabago kailangan kayo ng pamahalaan na makiisa at magbago na rin ng pananaw at nakasanayanâ€, dagdag pa ni Moreno.
Samantala, umapela sa grupo ng mga truckers si MMDA Chairman Tolentino na huminahon at habaan ang pasensiya bilang pagprotesta sa ipapatupad na daytime.
Para kay Tolentino, ang 13 oras na ibinigay ng Maynila ay maituturing na itong isang “win-win solution†na dapat umanong
 unawain ng mga truck operator. Dapat umanong mangibabaw ang kahinahunan at mahabang pang-unawa at pamamalasakit dahil anumang marahas na aksiyon ay hindi magdudulot ng maganda sa lipunan at ekonomiya.

Una nang iginiit ng mga trucker, na kailangang ibalik ng lungsod angorihinal na scheme kung saan nakakabiyahe sila ng 15 oras kada arawdahil babagsak umano ang kanilang mga negosyo at mga pabrikang sineserbisyuhan kung lilimitahan lang sa gabi at tanghali ang pagde-deliver.