42-anyos tigok sa sinturon
MANILA, Philippines - Hindi inakala ng isang 42-anyos na lalaki na sinturon ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan nang dalawang beses na undayan ng saksak dahil sa sinturon ng isang tambay sa terminal ng bus, sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Hindi na umabot sa Jose Reyes Memorial Medical Center, ang biktimang si Romeo Villanueva, walang asawa, ng Far East Village, Marcos Highway, Antipolo City. Tumakas agad ang suspek na kilala sa alyas “Rickyâ€, tambay, kakilala ng biktima.
Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harapan ng Grand Opera Hotel & Casino sa Doroteo Jose, malapit sa panulukan ng Avenida Rizal sa Sta.Cruz, Maynila.
Bumisita lamang umano sa lugar ang biktima at nakasama pang mag-videoke ang isang Gaudencio Calisi, nang mamataan ang suspek at naisipang bawiin sa huli ang hiniram na sinturon.
Ayaw umanong isauli ng suspek ang sinturon at sa halip ay bumunot ng patalim at inundayan ng dalawang ulit sa tiyan ang biktima.
Nagtangka pang umawat ni Calisi subalit siya man ay tinangka r ing saksakin ng suspek kaya nagtatakbo na lamang habang ang biktima na duguan ay tuluyang humandusay sa kalye. Nang naitumba na ang biktima ay mabilis na umalis umano ang suspek.
- Latest