MANILA, Philippines - Isang parking attendant ang patay makaraang pagsasaksakin sa dibdib ng hindi nakikilalang salarin habang umiihi sa madilim na bakanteng lote sa lungsod Quezon kamakalawa.
Si Ramon Dy, 25, ng Kaingin 2, Area Ibaba, Brgy. Pansol ay nagawa pang maÂitakbo sa ospital pero idineklara ring dead-on-arrival.
Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente sa may bakanteng lote malapit sa UP College of Law building UP campus, Diliman, ganap na alas-8:25 ng gabi.
Sabi ng live-in partner ng biktima na si Esperanza Sevillo, umiihi umano ang kinakasama sa nasabing lugar nang marinig niyang tumatawag ito at nagÂsabing sinaksak siya ng hindi nakikilalang suspek.
Nang makita ni Sevillo na duguan ang biktima, agad siyang humingi ng tulong sa ilang residente sa lugar at isinugod ang huli sa East Avenue Medical Center pero hindi na rin ito umabot ng buhay.
Patuloy ang imbestigasyon ng otoÂridad sa naÂturang insidente.