MANILA, Philippines - Isang call center agent ang binaril ng kanyang ama matapos na mapagkamalang magnanakaw o miyembro ng Akyat Bahay gang kamakalawa ng madaling araw sa Valenzuela City.
Nasa kritikal na kondisÂyon at ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa tiyan ang biktimang si Mark Francis Liwag, 30, ng Pio Valenzuela St., Brgy. MaÂrulas ng naturang lungsod.
Hinahanap naman si Noel Antonio Liwag, 52, na biglang nawala matapos dalhin ang anak sa ospital.
Sa ulat ng Valenzuela City police, naganap ang insidente alas-4:30 ng madaling araw, natutulog ang mga magulang ng biktima sa loob ng kanilang kuwarto nang magising ang tatay dahil sa mga yabag sa bubungan.
Inakala ni Noel Antonio na magnanakaw, agad itong bumangon at kinuha ang baril.
Dala ang baril ay tinungo ni Noel Antonio ang buÂbungan at nang makita ang anino ay tinanong ng “Sino kaâ€.
Hindi sumagot ang biktima at inakala ng ama na masamang loob ang una na naging dahilan upang putukan at nang tamaan ay saka pa lang nagsalita ang una na “Pa, bakit mo ako binaril.
Nang makilala ni Noel Antonio na ang anak ang nabaril ay agad nitong dinala ang huli sa naturang ospital at mabilis na umalis.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa umano umuuwi si Noel Antonio.