^

Metro

Anak napagkamalang ‘Akyat Bahay’, binaril ng ama

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang call center agent ang binaril ng kanyang ama matapos na mapagkamalang magnanakaw o miyembro ng Akyat Bahay gang kamakalawa ng madaling araw sa Valenzuela City.

Nasa kritikal na kondis­yon at ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa tiyan ang biktimang  si Mark Francis Liwag, 30,  ng Pio Valenzuela St., Brgy.  Ma­rulas ng naturang lungsod.

Hinahanap naman  si Noel Antonio Liwag, 52, na biglang nawala matapos dalhin ang anak sa ospital.

Sa ulat ng Valenzuela City police, naganap ang insidente alas-4:30 ng madaling araw, natutulog ang mga magulang ng biktima sa loob ng kanilang kuwarto nang magising ang tatay dahil sa mga yabag sa bubungan.

Inakala ni Noel Antonio na magnanakaw, agad itong bumangon at kinuha ang baril.

Dala ang baril ay tinungo ni Noel Antonio ang bu­bungan at nang makita ang anino ay tinanong ng “Sino ka”.

Hindi sumagot ang biktima at inakala ng ama na masamang loob ang una na naging dahilan upang putukan at nang tamaan ay saka pa lang nagsalita ang una na “Pa, bakit mo ako binaril.

Nang makilala ni Noel Antonio na ang anak ang nabaril ay agad nitong dinala ang  huli sa naturang ospital  at mabilis na  umalis.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa umano umuuwi si Noel Antonio.

 

vuukle comment

AKYAT BAHAY

BRGY

MARK FRANCIS LIWAG

NOEL ANTONIO

NOEL ANTONIO LIWAG

PIO VALENZUELA ST.

VALENZUELA CITY

VALENZUELA GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with