^

Metro

‘Window hours’ sa truck ban inilatag

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng  ‘window hours’ sa pagpapatupad ng  truck ban sa Lunes.

Ito  naman ang ipinahayag ni   Diego Cagahastian,  Media Information Bureau chief ng Manila City Hall kung saan tiniyak nito na tuloy pa rin ang  truck ban  alinsunod sa ordi­nansang ipinasa ng  konseho ng Maynila.

Ayon kay Cagahastian, ipatutupad ang  truck ban simula alas-5:00 hanggang alas-10:00 ng  umaga­  kung saan magkakaroon ng  ‘window­ hours’ mula 10 ng umaga hanggang  alas-3 ng hapon.

Sa nasabing ‘window hours’ papayagan ang mga truck na makabiyahe at muli na namang itutuloy ang oras ng truck ban mula alas-3 ng hapon hanggang  alas-9 ng gabi.

Ipinaliwanag ni  Cagahastian na  concession ay lumitaw matapos ang pagpupulong nila Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno sa mga opisyal at kinatawan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, Metro Manila Development Authority, Truckers Associations, Local  Government Units o LGUs at maging ang Commission on Human Rights o CHR.

Ito aniya ay para ayusin ng  Philippine Ports Authority ang sistema ng mga puma­pasok na truck sa pier.

 Binigyan-diin naman ni Annie Tubera, Media Relations Officer ni Moreno na  tatagal lamang ang  ‘window hours’ sa loob ng  anim na buwan  na palugit sa PPA

Samantala sa naturang ‘window hours’ maaari na  ring  makabiyahe ang mga truck sa kahabaan ng Roxas Boulevard patungong Quirino Avenue.  Una nang  ipinagbawal ang pagdaan ng  mga truck sa Roxas Blvd sa  loob ng  24 oras.

Ayon  naman kay Estrada,  ang pakikipagkompromiso sa mga negosyante ay isang positibong hakbang ng pamahalaan ng Lungsod para sa ikabubuti ng lahat.

vuukle comment

ANNIE TUBERA

AYON

CAGAHASTIAN

DIEGO CAGAHASTIAN

GOVERNMENT UNITS

HUMAN RIGHTS

TRUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with