MANILA, Philippines - Inaresto ang isa sa dalawang hinihinalang carnapper nang tangkaing tangayin ang isang owner type jeep sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni Sr Insp. Rommel Geneblazo, hepe ng MPD-Anti Carnapping Unit ang suspek na si Melvin Sta. Maria, 44, ng #124 Blk 4 Lot 4, 1102 East Kamias, Quezon City habang pinaghahanap naman ang nakatakas na kasamahan nito.
Sa ulat, dakong 12:10 ng madaling-araw nang maÂaresto ang suspek sa kanto ng P. Ocampo at Concho Sts., Malate, Maynila habang nagpapatrulya umano ang mga tauhan ng nasabing istasyon at ituro sa kanila ng isang concerned citizen ang nagaganap na komosyon sa kanto ng Jacobo at Zobel Sts., Malate.
Ito rin ang sinabi sa mga pulis ng barangay tanod na si Danilo Santos na may lalaking tumatangay ng nakaparadang owner -type jeep kaya hinabol ito at nadakip si Sta. Maria at narekober ang owner type jeep (TKC-868) model 1993 ay nakarehistro sa isang Arnulfo Empleo ng B5 Lot 43 Carville, Imus City, Cavite.
Naiwan umano ang kasamang suspek sa nasabing lugar subalit nang puntahan sa Jacobo st. ay nakatakas na pero naiwan ang isang Toyota Corolla taxi (TWZ 533) at may markings na “Absolut Taxi†na pag-aari ni Clara Taalamayan ng Mapagsangguni St. Sikatuna Village, Quezon City.
Personal namang kinilala ng isang Jefferson dela Cruz, kinatawan ng Absolut taxi na kinarnap ang nasabing sasakyan noong Pebrero 17 dakong alas-11:00 ng umaga habang nakaparada sa Matahimik St., Brgy. Malaya, QC.
Magsasagawa ang follow-up operation para sa ikaÂdarakip ng nakatakas na suspek.