^

Metro

Carnapper timbog, 1 pa tugis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaresto ang isa sa dalawang hinihinalang carnapper nang tangkaing tangayin ang isang owner type jeep sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Sr Insp. Rommel Geneblazo, hepe ng MPD-Anti Carnapping Unit ang suspek na si Melvin Sta. Maria, 44,  ng #124 Blk 4 Lot 4, 1102 East Kamias, Quezon City habang pinaghahanap naman ang nakatakas na kasamahan nito.

Sa ulat, dakong 12:10 ng madaling-araw nang ma­aresto ang suspek sa kanto ng P. Ocampo at Concho Sts., Malate, Maynila habang nagpapatrulya umano ang mga tauhan ng nasabing istasyon  at ituro sa kanila ng isang concerned citizen ang nagaganap na komosyon sa kanto ng Jacobo at Zobel Sts., Malate.

Ito rin ang sinabi sa mga pulis ng barangay tanod na si Danilo Santos na may lalaking tumatangay ng nakaparadang owner -type jeep kaya hinabol ito at nadakip si Sta. Maria at narekober  ang owner type jeep  (TKC-868)  model 1993 ay nakarehistro sa isang Arnulfo Empleo ng B5 Lot 43 Carville, Imus City, Cavite.

Naiwan umano ang kasamang suspek sa nasabing lugar subalit nang puntahan sa Jacobo st. ay nakatakas na  pero naiwan ang isang Toyota Corolla taxi (TWZ 533)  at may markings na “Absolut Taxi” na pag-aari ni Clara Taalamayan ng  Mapagsangguni St. Sikatuna Village, Quezon City.

Personal namang kinilala ng isang Jefferson dela Cruz, kinatawan ng Absolut taxi na kinarnap ang nasabing sasakyan noong Pebrero 17 dakong alas-11:00  ng umaga habang nakaparada sa Matahimik St., Brgy. Malaya, QC.

Magsasagawa ang follow-up operation para sa ika­darakip ng nakatakas na suspek.

ABSOLUT TAXI

ANTI CARNAPPING UNIT

ARNULFO EMPLEO

CLARA TAALAMAYAN

CONCHO STS

DANILO SANTOS

EAST KAMIAS

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with