School na cybersex den ni-raid
MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang elementary at high school na sinasabing ginagamit na cyberÂsex den na nagbebenta ng mga pornographic maÂterials sa Muntinlupa City.
Walong lalaki ang nasaÂkote sa loob ng dalawang klasrum ng Mountaintop Christian Academy sa VicÂtoria Homes Subd., Barangay Tunasan, Muntinlupa City.
Nasamsam naman ang 62 yunit ng computer na ginagamit sa pagbebenta ng mga pornographic site at child pornography habang ilang piraso ng USB flash disk o internal drive na naglalaman ng mga materyales na inilalagay ng mga suspek sa Internet.
Nabatid na nagpapanggap na mga babae ang mga suspek na nakikipag-chat sa mga kliyente kung saan sila rin ang sinasabing nagbibigay ng mga pre-recorded video na naglalaman ng mga babaeng walang saplot matapos na magbayad ang mga kostumer.
Ayon sa may-ari ng eskuwelahan na si Purisima Martinez, hindi niya alam na ginagamit na cybersex den ang dalawang room na kanyang pinarentahan sa mga nasabing lalaki bawat buwan.
Hindi rin niya binibisita o pinapasok ang dalawang unit kaya hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng mga occupant subalit umamin ang school owner na naÂikuwento sa kanya ng isa sa mga occupanÂt na sila ay nakiÂkiÂpag-chat.
Napag-alamang walang permiso na mag-operate ang nasabing school dahil pinawalang-bisa na ng Department of Education ang lisensiya nito noong pang 2006 subalit ayon kay Purisima may permit umano siya mula sa DepEd.
Ayon kay Atty. Ronald Aguto, hepe ng National Bureau of Investigation Anti-Cyber Crimes Division, ang operasyon ay kasabay ng raid sa Quezon City kamaÂkalawa ng gabi kung saan aabot sa 29-katao ang inaÂresto.
- Latest