MANILA, Philippines - Inaalam pa ng Manila Fire Bureau ang dahilan ng naganap na sunog sa isang commercial building, kung saan natupok ang isang sangay ng Union Bank at 20 pang establisyeÂmento, sa P. Faura st., Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.
Sa inisyal na ulat ni SFO1 Ruel Angeles, nagsimula ang sunog sa JMBM building sa P. Faura st., Ermita, Maynila, dakong alas-9:46 ng umaga na idineklarang fire-out dakong alas-10:49 ng umaga na umabot sa ika-5 alarma.
Nabatid na unang umusok sa kisame ng isa sa opisina sa ikalawang palapag hanggang sa kumalat na ang apoy hanggang sa madamay ang mga nasa ibabang establiÂsiÂyemento kabilang ang nasabing bangko, money remittance center, travel agency , money changer at iba pang opisina.
Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa sunog.