MANILA, Philippines - Dalawa katao ang patay habang tatlo pa ang sugaÂtan, sa pagsalpok ng isang Sports Utility Vehicle sa isang Public Utility Jeepney sa lungsod Quezon kahaÂpon ng madaÂling-araw.
Sa ulat ng Quezon City Police Traffic Sector 3, nakilala ang mga nasawi na sina Jamel Pacasong Dilanga, at Ren Joseph Garcia habang ang mga sugatan ay sina Jonathan Reyes, driver ng SUV, at mga pasaherong sina Leonardo MiÂguel at Carlos Salazar.
Ang sangkot na mga saÂsakyan ay isang pampaÂsaherong jeep (UWG-980) na minamaneho ni Wendel Mandalihan, at isang Ford Escape (XWI-898) na minamaneho ni Reyes.
Ayon sa imbestigador na si PO3 Renato Sunga, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng E. Rodriguez Sr., Avenue, harap ng Mini Stop malapit sa City Bank sa Eastwood, Brgy. Bagong BaÂyan, ganap na alas-3:50 ng madaling-araw.
Sinasabing binabagtas ni Mandalihan ang nasaÂbing kalye nang tumabi ito para ibaba ang pasaherong si Dilanga.
Mula dito, biglang suÂmulÂpot ang SUV at direktang tinumbok ang huÂÂliÂhang bahagi ng PUJ dahilan para masapol si Dilanga at magtamo ng matinding injury sa kataÂwan na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Sa lakas ng impact, nagÂkayupi-yupi ang unaÂhang bahagi ng SUV sanhi para maipit din ang isa sa mga sakay nito na si Garcia at masawi, habang sugatan naman ang tatlong kasama nitong sina Miguel, Salazar at ang driver na si Reyes.
Ayon pa kay Sunga, bukod sa mga nasabing sasakÂyan nadamay din sa banggaan ang dalawang PUJs.
Patuloy ang imbestigasÂyon ng otoridad sa naÂsabing insidente.