Bagong hotline ng LTFRB binuksan

MANILA, Philippines - Dahil sa mga reklamo na hindi na matawagan ang hotline number ng LTFRB na nakalagay sa ba­haging likuran ng mga passenger vehicles, may bago ng hotline ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ayon kay LTFRB Chairman Winston Gines, maaari nang tawagan ngayon ng mga complainants at may nais na malaman sa LTFRB ang hotline na telepono bilang 4592129.

Hindi pa anya ito naipapalagay sa markings ng mga passenger vehicles dahil naghihintay pa sila ng ilang panahon para maisaayos ng mga public utility vehicle owners tulad ng bus, taxi, auv at jeep.

Show comments