MANILA, Philippines - Fort del Pilar, Baguio City - Huwag kayong pasisilaw sa anumang materyal na bagay at salapi!
Ito ang naging hamon kahapon ni dating Senador at rehab czar Panfilo “Ping “ Lacson sa mga Cavaliers bilang panauhing pandangal at tagapagsalita sa ginanap na ika-116 taong Alumni Homecoming sa Philippine Military Academy (PMA).
Ayon kay Lacson, dapat isapuso ng mga Cavaliers hanggang mamatay ang ‘Courage, Integrity at Loyalty†bilang bahagi ng sinumpaang tungkulin ng mga PMAers simula pa lamang ng pagtuntong ng mga ito sa akademya.
Bagama’t ilan na sa mga kapwa Cavaliers ang lumihis sa sinumpaang tungkulin dahil sa korapÂsyon ay mas marami pa rin ang nananatiling nagsisilbi ng tapat sa pagliÂlingkod sa bayan.
Aniya, hindi dapat mawalan ng disiplina, matukso sa katiwalian at masangkot sa korapsyon dahilan sa lihis ito sa tuwid na landas.
Kaugnay nito, sinabi ni Lacson na nalulungkot siya sa pagkakasangkot ng ilang mga Senador sa pork barrel scam tulad nina Senador Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
“Nakakalungkot, meron tayong due proÂcess na tinatawag, so they will have their day in court ano, but sa ngayon lumalabas yung mga evidence and they should really prepare for that,†pahayag nito.
Inamin naman ni Lacson na mabigat ang mga iprinisintang ebidensiya ng mga whistleÂblowers laban sa inaÂakusahang mga Senador.