MANILA, Philippines - Masaklap na kamataÂyan ang sinapit ng mag-ama makaraang makulong sa kanilang bahay na nasunog kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Kinilala ang mag-ama na sina Jose Chan, 62; at Jackie Chan, 26, kapwa residente ng #104 Esguerra Street sa Barangay 75 sa nasabing lungsod.

Sugatan naman ang barangay tanod na si Ramil Teope, 31, na nagtamo naman ng mga paso sa kanang pisngi at kanang kamay.
Base sa imbestigasÂyon ni FO2 Alvin Culianan ng Caloocan City BFP, nagsimulang kumalat ang apoy bandang alas-4:47 ng hapon kung saan umabot sa 4th alarm ang sunog.

Bandang alas-6:14 ng gabi nang maapula ang sunog hanggang sa madisÂkubre ang dalawang bangkay ng mag-ama sa palikuÂran ng kanilang bahay.

Tinatayang aabot naman sa P2 milyong halaga ng ari-arian ang naabo kung saan umabot sa 90 pamilya ang nawalan ng tirahan.