P307-M shabu nasamsam sa raid
MANILA, Philippines - Umaabot sa P307-M halaga ng shabu ang nasamsam ng pinagsanib na elemento ng PNP-Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Force (PNP-AID-SOTF), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Parañaque Police sa isang condominium na ginawang imbakan ng droga sa raid na isinagawa sa Parañaque City kahapon.
Ayon kay Chief Inspector Roque Merdeguia, Spokesperson ng PNP-AID-SOTF, alas-4:30 ng madaling-araw nang salakayin ng mga awtoridad sa pangunguna ni PNP-AID-SOTF Operations Chief P/Sr. Supt Romeo Fajardo, PDEA sa pakikipagkoordinasyon sa Parañaque City Police ang Sentosia Condominium na matatagpuan sa Macapagal Boulevard, Brgy. Tambo ng nasabing lungsod.
Gayunman, nabigong maÂaresto ang apat na pinaghihinalaang Chinese big-time drug traffickers at apat ding Pinoy na kasosyo ng mga ito sa umano’y talamak na pagbebenta ng droga na sinaÂsabing nasa likod ng ‘drug stock room’ sa naturang condominium.
Kinilala ni Merdeguia ang mga pinaghahanap na Chinese drug trafficker na sina Marvin Tan, alyas Tsiu; Johnson Co, alyas Johnson Chua; Jacky Sia Huang, alyas Tsoi at Frederick Tan.
Samantalang ang mga Pinoy na kasabwat ng mga ito ay nakilala namang sina Fernando Dilima, Richard Catungal, James Garcia, isang tinukoy lamang sa pangalang Emmy alyas Mingming.
Bago ang raid, sinabi ng opisyal na nakatanggap ang PNP-AID-SOTF ng impormasyon hinggil sa pagkakasangkot ng mga suspect sa talamak na pagbebenta ng droga kung saan ang nasabing condominium unit ang ginawa ng mga itong bodega sa kanilang ilegal na operasyon.
Nasamsam sa raid ang dalawang suitcase na naglaÂlaman ng 20 plastic na may lamang shabu na tumitimbang ng 20 kilo at karagdagan pang 15 plastic na may laman ding shabu na inilagay naman sa drawer sa locker, isang sako ng ephedrine isang uri ng keÂmikal na gamit sa paggawa ng shabu na tumitimbang naman ng 15 kilo.
Dinala na sa tanggapan ng PDEA laboratory ang mga nasamsam na droga at mga ebidensya laban sa mga suspectÂ.
- Latest