Klase sa Ateneo binulabog ng bomb threat
MANILA, Philippines – Suspendido ang klase at trabaho sa Ateneo De Manila University matapos makatanggap ng bomb threat ngayong Miyerkules ng umaga.
Sinabi ng The Guidon, ang opisyal na pahayagan ng Ateneo, na dumating na ang mga pulis sa pamantasan upang halughugin ang paaralan.
DEVELOPING STORY: All Ateneo classes and office work suspended due to bomb threat. PNP units now sweeping the campus.
— The GUIDON (@TheGUIDON) February 12, 2014
Upang walang masaktan ay pinauwi na ang mga estudyante at empleyado, habang patuloy ang pag-iikot ng mga pulis at canine unit ng Quezon City bomb squad.
Tatlong empleyado umano ng Ateneo ang nakatanggap ng bomb threat bandang alas-9 ng umaga.
Sinabi naman ni Ateneo president Jett Villarin na maglalabas sila ng opisyal na pahayag mamayang ala-5 ng hapon.
- Latest