MANILA, Philippines - Isa na namang saÂngay ng LBC ang hiÂnoldap ng riding-in- tanÂdem sa lungsod QueÂzon, ayon sa ulat kahapon.
Ayon kay PO3 Jovy Pobre, imbestigador, aabot sa P6,000 kita ang natangay ng mga suspek sa LBC Edsa Muñoz branch nang holdapin nila ito ganap na alas-3:20 ng hapon.
Ginawa ang panghoholdap matapos na pansamantalang wala sa kanyang puwesto ang pulis na si PO1 John Paul Rebusles, 2nd shift duty na nakatalaga sa nasabing kompanya na matatagpuan sa MCV bldg., Brgy. Bahay Toro.
Sinasabing nang maÂÂispatang walang nagÂbaÂbantay ay saka umaÂtake ang dalawang suspek na armado ng kalibre 38 baril at nagdeklara ng holdap.
Matapos na malimas ang nasabing pera ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect.
Ito ang pangalawang pagkakataon ngayong buwan ng February 2014 na naholdap ang sangay ng LBC sa lungsod kung saan ang una ay sa Brgy. Teresita.