MANILA, Philippines - Hinamon ni Immigration Commissioner Siegfred B. Mison ang mga foreign nationals na kasalukuyang nakaÂkulong sa BI Warden Facility (BIWF) na tukuyin ang mga immigration personnel na sangkot sa katiwalian sa kulungan.
Ayon kay Mison hinikayat niya ang “Foreigners for Justice†na tukuyin ang mga jail guards at personnel na sangkot sa extortion, pagmamaltrato at pananakit sa BIWF Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Sinabi ni Mison na mas makabubuting kilalanin ang mga sangkot upang agad na masampahan ng kaso. Aniya, hindi niya kukunsintihin kailanman ang gawaing ito.
Batay sa record umaabot na sa 168 foreign nationals ang kasalukuyang BIWF kung saan nangunguna rito ang Taiwanese 44 detainees; Chinese, 33; Koreans, 18; 16 AmeÂricans; at 10 Indians.
Iginigiit ng mga foreign detainees na ilan sa mga BI officials ang dahilan kung kaya’t sinampahan sila ng deportation case.
Gayunman, kung may deportation order hindi pa rin maÂÂkalalabas ng bansa ang mga detainees dahil naman sa nakabinbing kasong criminal laban sa kanila.