MANILA, Philippines - Isang retired teacher ang namatay matapos na pagsasaksakin ng hinihinalang magnanakaw habang sugatan naman ang pamangkin nito sa kanyang bahay sa Valenzuela City kahapon ng umaga.
Dead on the spot sanhi ng laslas sa leeg ang biktimang si Virginia Francisco, 68, ng Rincon St., Francisco Compound, Bgy. Malinta ng natuÂrang lungsod habang ginamot naman sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga sugat sa braso at dibdib ang pamangkin nito na si Virgilio Francisco, ng nabanggit na lugar.
Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya hinggil sa insidente at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng suspek.
Sa ulat ng Valenzuela City Police, alas-9:30 ng umaga nang nakita ni Virgilio na bukas ang gate at pinto ng bahay ng kanyang tiyahin habang pagala-gala kasama sa labas ang alagang aso.
Nang pasukin ng pamangkin at umakyat sa ikalawang paÂlaÂpag ay nakita ang tiyahin na duguang nakahandusay sa sahig.
Habang pinipilit na tulungan ang tiyahin ay biglang sumulpot ang suspek sabay sapak kay Virgilio at kahit hilo ay nagawang makalaban hanggang sa magsuntukan ang mga ito.
Naglabas ng patalim ang suspek at inundayan ng mga saksak si Virgilio na nagawang masalag at makapaghanap ng sandatang panlaban subalit mabilis na nakatakbo ang suspek na may kapayatan hanggang sa makatakas.
Dinala naman si Virgilio sa naturang ospital habang inaalam na ng mga pulis kung may nakuha sa biktima at kung sino ang suspek.