MANILA, Philippines - Isang fetus ang natagpuan matapos itong itinapon sa basurahan sa Navotas City kahapon ng umaga.
Sa ulat ng Navotas City Police, alas-6:00 ng umaga nang makita ng mga residente ang fetus na tinatayang nasa limang buwan na nakabalot sa plastic bag sa may basurahan sa Santillan St., Barangay San Jose ng naturang lungsod.
Isang hindi pa kilalang lalaki ang nakitang nagtapon ng plastic bag na doon nakalagay ang fetus. Inilagak ang naturang fetus sa Saint Marc Funeral Homes.