MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa mahigit P5 milyong halaga ng ari-arian ang naabo maÂtapos matupok ang isang pabrikang gumagawa ng lona at kapote kahapon ng madaling-araw sa Pasay.
Base sa report ni Pasay City Fire Marshall Chief Inspector Douglas Guiyab, alas-5:18 ng madaling-araw nang mag-umpisa ang sunog sa ikalawang palapag ng Limkaco Industries, na pag-aari ni Gary Lim sa Ignacio St., panulukan ng Park Avenue Brgy. 75 ng nasabing lungsod.
Ayon kay Guiyab, nakaÂrinig umano ng malakas na pagsabog sa loob ng naturang pabrika hanggang sa kumalat ang malakas na apoy.
Nabatid sa mga kagawad ng pamatay-sunog na naÂhirapan silang maapula ang apoy dahil bukod sa mga laman ng pabrika ay maraming mga kawad ng kuryente ang nakaharang hanggang sa umabot nga ito sa ika-apat na alarma.