MANILA, Philippines - Isusulong ni Quezon City Vice Mayor at Tourism Czar Joy Belmonte ang pag-facelift sa Banawe na kinikilalang Chinatown ng lungsod. Ayon kay Belmonte ito ay upang higit na mapasigla ang turismo sa lugar at makaakit pa ng dagdag na investments ang lungsod.
Sinabi ni Belmonte na ang planong pag-facelift sa Banawe ay katatampukan ng pagkakaroon ng parke na palalamutian ng mga berdeng mga halaman, aayusin ang kalye mula sa minsa’y mabigat na daloy ng trapiko dito at pagpapailaw para sa maayos at matahimik na komunidad.
Anya ang Banawe Chinatown ay pinalilibutan ng pitong mga barangay na may 3 porsiyento ng mga Filipino Chinese ang naninirahan dito at iba pang karatig barangay.
Dinagdag ni Belmonte na magandang bentahe ang pagÂtulong ng Filipino Chinese community sa lungsod para mapasigla ang ekonomiya ng bansa. Una nang pinasalamatan ni QC Mayor Herbert Bautista at ni Belmonte ang mahalagang papel na ginagampanan ng Filipino Chinese community para sa pagsusulong ng ekonomiya sa lungsod.