MANILA, Philippines - Isandaang libong piso ang inilaang pabuya ni Malabon City Mayor Antolin “Lenlen†Oreta III sa sinumang makapagtuturo upang madakip ang mga suspek na nanloob at pumatay sa kanilang empleyado at sa anak nitong lalaki na naganap kamakalawa ng madaling araw sa naturang lungsod.
Nabatid kahapon kay Senior Supt. Severino Abad, Jr., hepe ng Navotas City Police, maaari aniyang tumawag sa mga numerong 281-4999 local 1009/09155655385 o di kaya’y 09189174507 ang sinumang makapagbibigay impormasyon hinggil sa mga suspek na responsable sa krimen.
Ang mag-amang biktima na sina Felizardo Coralde, Jr., 47, record officer ng Malabon City Hall at anak na si Albert, 19, engineering student, ay kapwa residente ng N. Vidal St., Brgy.Ibaba ng nasabing lungsod ay parehong nilaslas ang leeg matapos na igapos at pagnakawan ng pinaniniwalaang grupo ng ‘Akyat bahay gang’ noong Miyerkules ng madaling araw sa loob ng kanilang tahanan.
Para sa ikareresolba ng kaso, magbibigay ng halagang P100,000.00 bilang pabuya sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon hinggil sa makapagtuturo sa mga suspek.