Opisyal ng TODA itinumba
MANILA, Philippines - Patay ang isang opisyal ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa kanilang terminal sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Jimmy Bucanes, alyas Cobra, 47, ng MCP homeowners AssoÂciation, Pingkian 1, Central, Pasong Tamo sa lungsod. Si Bucanes ay auditor ng Luzon Tricycle Operators Drivers Association QC chapter.
Ayon kay PO2 Anthony TeÂjerero, natukoy ang isa sa mga suspek sa alyas na Samsudin, kasama ang isa pa na ngayon ay tinutugis na ng mga awtoridad.
Hinala ng pulisya, may kinalaman sa pagiging opisyales ng biktima o agawan sa posisyon ang pamamaslang dito.
Bukod pa dito, ang mahigpit na pamamalakad umano ng biktima sa kanilang samahan simula ng manalo sa halalan ay isa pa rin sa posibleng dahilan sa krimen. Naghigpit umano ito sa mga bumibiyahe sa lugar na walang lisensya.
Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa mismong terminal ng Luzon TODA na matatagpuan sa Luzon AveÂnue, Brgy. Old Balara, ganap na alas- 8:45 ng gabi.
Ayon kay Nelson BillonesÂ, isa rin sa opisyales ng asosasÂyon, nakikipag-usap siya sa isa nilang miyembro nang makarinig siya ng mga putok ng baril mula sa terminal.
Sabi ni Billones, matagal na silang nakakatanggap ng death threat simula ng maÂnalo sila bilang opisyales ng asosasyon, pero binabalewala lamang nila ito.
- Latest