MANILA, Philippines - Nadakip ng mga tauhan ng Makati City police ang isang 35-anyos na lalaki na sinasabing sangkot sa pagÂkidnap sa isang 3-anyos na anak ng Hapones kamakailan sa nabanggit na lungsod.
Nakilala ang nadakip na si Arnulfo Monreal, superÂvisor sa isang elevator company na sinasabing tiyuhin ng biktima.
Itinanggi naman ng nadakip ang naturang akusasyon.
Samantala ang biktima na itinago sa pangalang Shane, 3 ay nabawi matapos abandonahin sa East Service Road ng Upper Bicutan at agad na dinala sa mga opisÂyal sa barangay.
Base sa rekord nawala ang paslit noong Enero 26 sa loob mismo ng kanilang bahay sa South Cembo sa Makati City.
Kinabukasan ay ipina-blotter ito ng tiyahing si Myrna na siyang nag-aalaga sa bata.
Si Arnulfo ay mister ni Myrna subalit hiwalay na ang dalawa.
Dalawang araw matapos mawala ang paslit ay nagtuÂngo pa si Arnulfo sa pulisya at inaalam ang umano’y tungÂkol sa pagkawala ng kanyang pamangkin.
Lingid sa kanyang kaalaman ay narekober ng pulisya ang CCTV na doon ay nakita siya kasama ang biktima na naglalakad papalayo sa lugar.
Tatlong araw matapos maÂÂÂwala ang paslit ay nakaÂtanggap si Myrna ng text buhat umano sa dumukot sa bata at humihingi ng tatlong milyon ransom.
Si Shane ay anak ng HaÂpones na si Tatsuhiko HaÂyasho sa Pinay na kaanak ni Myrna.